may kuwento sa utak ko na matagal ng nangugugulo…. basta… kaya susubukan ko siyang isulat… baka makatulong.. hehehe…
july 10, 2005 0900H
- isang lalaki ang natagpuang nakabitin sa isang monkey bar sa playground sa isang village sa bacoor cavite… napag alaman na si Thomas Peed, 25 taong gulang ay nagpakamatay sa isang monkey bars gamit ang isang nylon rope. ayon sa mga kapitbahay, ilang araw na rin siyang kinakitaan ng mga kakaibang kilos. sinasabing ang sunud sunod na dagok sa buhay ang nagtulak sa kanya upang magpakamatay.
samantala, tatlo sa mga taong aming nakapanayam ang nagsabi na si thomas, ang taong nasa monkey bar ay buhay pa at humihinga na pinabulaanan ng mga doktor na pumunta sa lugar ng kaganapan. kaugnay pa nito, isa sa miyembro ng forensics na nananaliksik ay nagsabi rin na narinig nyang humihinga si thomas.
ang mga pulis at miyembro ng forensics ay nag iimbestiga hanggang ngayon hinggil sa kaganapan-
-Adre Risato,18, student
july 10, 2005 0845H
"ano na nmang nangyayari?" yun ang unang pangungusap na nabuo sa isipan nya para sa araw na to. hindi sya mahilig makialam sa mga nangyayari sa paligid nya pero hindi sa pagkakataong ito… lalo pa’t nakaharang ang ilan sa mga ‘usisero’ sa dadaanan nya.
mula sa puwesto nya… nakita nya ang isang lalaking nakabitin sa isang monkey bar. buhay pa sya, naririnig pa nyang humihinga ito. humanap sya ng matatanong kung bakit pinapanood lamang ng napakaraming tao ang isang lalaki na mamatay. mula sa kinatatayuan nya ay kitang kita nya ang bawat detalye na tila di na mabubura sa isipan nya. mga matang dumudogo at halos malaglag sa pagkakaluwa, ang mga tenga at labi nito na namumuti at nagdurugo, ang mga daliri sa paa na makikitang ginagawa ang lahat para lamang mabuhat ang buong katawan ng lalaki, at sa kamay nito ay may hawak na tila isang rosaryo.
umiwas sya ng tingin… naniniwalang makakatulong ‘yon sa pagkakataong ito na wag maawa sa lalaki. bago pa sya makalingon, isang lalaki ang nagtanong sa kanya. tila reporter para sa isang pahayagan. tinanong nya kaagad kung bakit pinanonood lamang ang lalaki na mamatay. nagulat ang reporter… imposible nga nman yon dahil ayon sa mga doktor na kanina pa tumingin sa lalaki ay mag lilimang oras na syang patay. iniwan nya na ang reporter.. ayaw nyang ipaalam sa buong mundo na nakita nyang buhay ang isang bangkay na limang oras nang nakabitin. hindi pa nman nya hilig ang ghost stories… at imposibleng maging ghost story yun.. dahil alam nyang totoo yon!!
july 10, 2005 1153H
"gago ka talaga!! nangtitrip ka nanaman e." pinipilit nyang maniwala si Greg pero lalo lang syang nagmumukhang sinungaling.
"na gago na nga sinungaling pa!!" yun na lang ang sinabi nya. ayaw nya nang mamilit tungkol dun! mukha nmang may mabuting nagaw sa kanya yun… biruin mo ililibre na sya ng kaibigan nya dahil lmang sa pagkukuwento nya nun. di niya napansin
haaay naku.. tinatamad na ko… next tym na nga lang!!!
Entries (RSS)