Marami sana akong itatanong
Pero pwede na ring pakinggan mo lang ako.
Dahil maraming gumugulo sa isip ko,
at isa ka na sa mga bagay na yun
Ang totoo’y naguguluhan din ako.
Sa mga dahilang kung bakit ako nag iisa ngayon
Sa dahilang bakit mo ako iniwan.
At sa dahilang bakit ako naguguluhan.
Kinailangan ko pang magpalipas ng ilang oras,
Para lang makapili ng isang tanong na itatanong sa’yo
mula sa iang libo’t isang katanungang nais ko pa sanang masagot.
Maganda na rin sigurong ganito akong naguguluhan,
At walang nalalaman sa kung anung dapat kong malaman.
Dahi sa uunting nalalaman ko, nabilang doon ang kaalamang
masakit malaman ang katotohanan.
Lalo pa’t manggagaling sa taong Pinanggagalingan ng iyong lakas
na ginagamit mo sa pagharap sa katotohanan.
Oo tama, mabuti na siguro ito.
Dahil sa ganito mas madalas kong napagtatakpan ang sakit
mula sa pag aalala sa anu ba talagang aking inaalala.
Tama, hindi na lang kita tatanungin.
Nang sa gayon ay mas mapadalas ang aking pagngiti.
Saka na lamang kita tatanungin uli.
pag may lakas ng loob na akong harapin ang iyong isasagot.
Entries (RSS)