Archive for January, 2008

inspired by tv program heroes. Here are my stories of ordinary people with extraordinary abilities… This may be lame, but, well, you have a choice to not read this!!

Mr. Hope Alexanders, 20

… I understand you, i know what you are feeling right now.
and it’s killing me… literally …

- March 2007 -

In some coffee shop, 6:00pm, dawn is almost done. You can tell that there’ll be a rain coming due to the cold atmosphere. Hope Alexanders, 20 is staring up in the sky reaching for at least a glance at one star. He’s hoping that there’ll be no rain tonight. He has plans for tonight and a rain nor a drizzle is not part of it.

He’s looking good tonight while seated on a nice comfy wooden chair. Obviously, he’s waiting for someone, since he’s seated near the shop’s entrance door and he’s been looking at his watch for several times now. He might be talking to his self cause he’s mumbling and the only words that you may be able to understand are "where" and "she".

5 mins more as we stare at him, he finally smiles. Better if we call it a grin. Then, A fine lady approaches him. He stood and lead the lady to her seat.

It’s Secilia. His long-time friend, and, if you don’t know them well you may mistake them as lovers. Of course, Secilia is aware of that. There would be times that Secilia would remind Hope that she has a boyfriend whenever he becomes extra sweet to her. But to Hope, it’s what it seems it is. He likes Secilia. And he’s been trying to win her heart from her current boyfriend since he remembers when.

They started chatting first before they gave their orders to the waiter standing near them. They seem very entertained to each others company. So entertained that it took them an hour to finish their food.

Secilia was fixing herself, while Hope kept looking hoping to see a clear evening sky. It seems that there’ll be no hope for Hope tonight. The rain will come and he just can’t stop it.

"Ready to go!", Secilia uttered and stood right.

Hope grabbed her hand and asked her to stay a little longer. He’s smiling. A weak smile this time. Secilia just nodded and sit back.

"Hope? ‘you ok?"

He struggled a good reply, "I think so". He’s starting to come nervous. He wants to continue talking but he just cant say anything. Secilia smiled "It’s not my birthday you know? Don’t try to make anything special tonight." It’s her warning note to Hope which clearly means ‘dont try to tell me you love me‘. But he didn’t hear her. He hears his heart throbbing. He can even feel it pumping out of his chest. Secilia sit still at her chair while waiting for Hope’s reason for wanting to stay. She smiled back to him with a flat smile. She moved her hands to remind Hope that he’s holding her hands then looked at him with brows raised. Hope starts to feel numb. He knows Secilia is trying to tell him that telling her he loves her won’t get them anywhere. That she already loves someone else and to her, Hope is just a friend. He’s thinking, maybe those were just doubts. That if he tells her tonight, things might go their way.

"Look, it’s starting to rain, we can’t just stay here at the shop. rick is waiting for us, whatever it is that you want to talk about, we can talk about it after we meet rick".

There she goes again. Her so called ‘warning notes’ and this time it means dont try to say it, cause i still love Patrick more than you. That must hurt, he tries to utter those three words that’s been running on his mind but his throbbing chest is keeping him. So is Secilia’s eyes which clearly sparks for another name. The raindrops start to fall. And he’s starting to feel that he needs to run to someone else and utter the words hes trying to say. Then suddenly, he just felt envious to Patrick. That he just wish he’s the one whom Secilia wants to run to before this rain falls harder. Hope is still holding Secilia’s hand, the breeze around them is already wet with raindrops. Hope grows sadder, as it clears to him that Secilia will never love him as much as he loves Patrick. As if his emotions goes along with the rain, his sadness grows to anger. Anger, for Patrick has always been taking Secilia from him. That the reason for Secilia never wanting him is Patrick. He grew angry that he’s already clenching Secilia’s hand. He haven’t noticed him clenching her hands tighly. He’s being overwhelmed with all his emotions that his heart would pump burst. He can’t breathe… His heart pumps harder and faster. then…

"Hope…". He woke back to reality.

It was a weak voice from Secilia. She fainted. Her cheeks were soaked with tears. She fell weak to the ground. Barely can speak.

"Secilia! What happened?!?" He felt stupid not knowing what happened despite having Secilia in front of him and holding her hands.

"I..

"I dont know"

… … …

Comments No Comments »

<singhap…>
<….hinga>

alas dos ng madaling araw.
maririnig pa ang paghingal ng dalawang taong nagsasama ngayon sa iisang silid.

ahhh…

alam mong pilit hinihinaan ang mga tinig nila
subalit nakakatuwang ang simpleng pagsinghap nila’y makaka kuha ng atensyon ng isang inosenteng bata sa kabila ng dingding…

ohhhh…

kung ikaw ang makaririnig sa kanila’y mamamasa ka sa pawis,
alam mong mainit ang kanilang pagsinghap-hinga….
subalit ngayon, isang musmos ang nakaririnig.

uhhh…

naglalangitngit pa ang kamang kakahuyin lamang.
at tila nanunuya sa iyong pandinig, sinasabing ilapat mo ang iyong tainga sa dingding
ngunit para sa 5 anyos na bata’y may kung anong bagay na kailangan nyang madinig ng malinaw.

yahhh…

nalalaro na sa isipan kung saang rurok na sila,
kung pang ilan na, o kung gaano na katagal…
subalit kay lita, ang nalalaro sa isipa’y isang katanungan..
‘Ano kaya iyon?’

ha umphh!!!

alam mong pinupuwersa niya ang sarili
at nalalaman mong umaayon ang kaniyang kasama.
subalit para sa kay  Lita mahirap ang anumang kanila’y ginagawa.

oh shit!!! wag dyan!!

malamlam lamang ang banggit,
ngunit sayo’y tila sumusuot sa sistema ang mga ito.
si Lita’y ipinag igi ang pag lapat ng tainga sa sahig.

aaahh!! aray ko!!

napangiti ka sa iyong narinig,
at makislap pa ito na tila maliwanag sa’yo ang nangyayari
napalingon si Lita sa saway na, ‘Lita tigilan mo yan!’
‘Wag Kang Makinig!!!’

sa gayo’y lalong namuo ang kuryusidad niya.

haa.. ummpphh!!
urrhmmpphhh..
cge pa…
malapit na!

naginit ang iyong buong katawan,
ang kuryente ng kanilang usapa’y
lumagaslas sa ilog na umaagos sa ilalim ng iyong balat.
Si Lita nama’y kumuha ng walis
at malakas na inihampas sa dingding.

… < Anu un !?! >
… < Wag mu na pansinin yun, bilisan mu na lang >

Nagalit ka sa itinuran ni Lita,
Dahil nalalaman mong pansamantala’y
Mapapayapa ang kabilang dingding.
Si Lita nama’y lalong nagngalit sa iyong saway

Pilit mong nilinawan ang iyong pandinig…

Naulit ang iyong pinakikinggan..

Malalim na hinga’t singhap.
Tila nag iipong muli ng lakas.
Sa paki wari’y minamadaling makarating sa kanilang rurok.

uhhh.. uhmmm… ahhhrr…
… uhhh … cge pa…
… tulak pa …
.. bilisan mo!! …

kahit mahinang mahina’t
nahaharang ng 5′pulgadang dingding
nalilinaw ng iyong isipan
ang kanilang masinghap na sambitin…

… malapit na ba? …
… cge lang …
uhhh…

Nangingiti ka’t nag iinit sa naririnig.
Ni nalimot mo na si Lita na nawala na sa paligid.
Ang pawis sa iyo’y paloob na sumisingaw.
Nagdadaop ang iyong litid at ang ilog
na nadarama mo sa ilalim lamang ng iyong balat…

Mas napapalakas ang langitngit.
Ngayo’y nalalaman mong hindi ito kamang kakahuyin
Kundi sahig.
Lalong nakulayan ang iyong diwa.

Ang kanina’y si Litang nakalapat ang tainga sa dingding,
ay ikaw nang tila hinuhukay ang dingding.

.. ahhh …
… malapit na tau …
… uhhh …

naririnig mo ang kanilang pagsinghap.
ang mababaw at malalim nilang hininga.
ang boses na tila’y napapawisan.
at ungulang may maliit ngunit malakas na pagdidiin ng katawan.

hindi ka makatiis…

nalimot mo si Lita
at walang kamalayang
napahihimas ka sa iyong balat.

naglalaro sa iyong isipan
ang tigatig ng kapangyayaring
ginaganap sa likod ng 5 pulgadang hadlang.

huli na ng maalala mo si Lita…

sa tindi ng pakikinig,
narinig mo ang katok sa pintuan
ng nasa kabilang dingding.

sunud sunud ito at tila nangagkukulit
na ang pinto’y pagbuksan.

buong galit at kahihiyan kang natayo
sapagkat ang iyong Lita’y
kinakatok ang pintuan ng iyong pantasyahan.

Pagkalabas sa pinto’y
nakita mo sa kabila ang tatlong Pulis,
hawak ni Lita ang kamay ng isang pulis
At itinuturo ang mga tao sa loob ng kabilang dingdingan.

Dali dali kang lumapit upang sunduin ang si Lita
ngunit pinigil ka ng isa pang pulis,
at sinabing hindi ka maatring makaraan.

Sasabihin mo sanang kapatid mo si Lita
At magpapaumanhin sa panggugulo niya
sa mga taong nananahimik sa kabilang dingding.

Subalit naunahan ka ng pulis
at nabanggit,

Ninanakawan po sina Mrs Mardez
Nakarinig po ang batang si Lita at nagtawag ng Pulis.

Nasilip mo sa nakapinid na pinto
ang isang mabigat at malaking kahon
na nailabas sana kung ndi dumating ang mga pulis.

at bigla biglang naalala mong,

binabantayan mo nga pala si Lita,
Sapagkat umalis ang kaniyang magulang
at nagprisinta ka,
tutal nakatira ka lamang
sa kabilang dingding…

ang tanga tanga naman nitong si Marites.

"Mardes!! Mardes!!!"

ang malakas na tawag ni Lita sa iyo.

-= Isang Paalala sa Malilibog =-

Comments No Comments »

Ma.
Pa.

Mayroon akong nais itanong.
Ang nais ko’y inyo itong tugunan.
Sapagkat ang kalulwa ko’y nauupos na
At hindi na kakayanin kahit limusan pa ng kaunting pag asa.

Nalalaman nio ba ang aking mga pasakit?
Sa kung paanong nahihirapan ako ngayon,
Sa mga pag asa ninyo sa akin,
sapagkat ako na lamang ang sa inyo’y natitira?
at sa kung paanong naging masakit ito,
samantalang ako nama’y inyong pinalaki ng matiwasay.
at sa mga paalalang
hindi na yata mabubura sa aking pinangutim nang puso.

Naririnig nio ba ang aking mga panaghoy?
Sa kung paanong nangyaring ako ang dapat gumawa ng lahat na ito.
Dahil ba sa mga ksalanang ginawa ng aking mga kapatid?
O dahil ba sa kasalanang nagawa sa akin ng aking mga kapatid?
Nakatatakang ako’y nanaghoy ng ganito,
samantalang buo naman ang aking pagmamahal.
sa aking mga kapatid na ni respeto’y hindi ko natamo sa kanila.

Nadarama ba niyo ang aking mga alaala,
Sa kung anu nga ba ang ipapala ng aking nabubunsong kapatid,
Sa pag kayod at pagtiwala ninyo
Sa lahat ng aking ikinakayang mga gawa?
Bakit nga ba ako mag aalala,
samantalang akin namang nalalaman,
Na kahit ako’y kaya nio namang tigilan sa pag aaruga
Mapigilan lamang ang aking suwail
na di pama’y nagagawa’y detalyado na sa inyong kaisipan?

Nalalaman nio ba ang aking mga takot?
Sa kung paanong ang simpleng pagkabasag ng baso’y
Sapat ng dahilan upang ako’y manginig
At matakot dahil sa mga alaalang bumabalik
Patungkol sa masakait na palong panapat
Sa makatao kong pagkakamali.
Paanong ganito samantalang
Ipinaalam ninyo sa akin na wag matakot magkamali,
pagka’t kung hindi’y mapapasaan ako ng inyong mga tinig.

Nalalaman nio ba ang aking pagod?
Sa mga kusang loob kong gawa
Simula ng ako’y unang ipahiya
hanggang sa ako’y huling pagkaitan ng pangarap?
Bakit ko dinaramdam ang pagod,
Samantalang sa inyo naturo
Na ang katamara’y sapat ng kasalanan
Upang ika’y ibitay
sa sunud sunud at araw araw na pilitang Pakiusap.

Nalalaman ba ninyo ang aking galit?
Patungkol sa mga taong nagwiwikang kayo’y masama.
At ako’y inyong dapat itatwa dahil sa aking mga mali.
Anu nga ba’t ako’y nagagalit,
Nasasamantala namang ang aking ikinagagali’y
Nangagaling na din sa inyong mga labi.

Ma
Pa

Nalalman kong ako na ang tatayong inyong pag asa.

Ngunit nais ko sanang ipaalam na kayo’y mabibigo.

Dahil kahit masagot pa ang aking katanunga’y

Hindi na masasagot ang aking hinagpis

na mas napagaan sana

Kung nakita ko ang buti ng inyong isinanhi.

– Isang sulat na hindi ko kailanman maaring isulat –

PS

Jox lang… Para namang gagawin ko yun, kung gagawin ko yun, e d sana naglayas na lang ako!!!! Kapagod kaya gumawa ng ganito!!!

-Emmanuel Marinay Cera
-Jan 23, 2008 0353h

Comments No Comments »

Sambitin mo ang aking presensya

<Wag Lumuha>
<Patunayan>
<Ang pangakong magkasama>
<Ilapat>
<Ating Palad>
<Wag putulin ang magdamag>

<Kailangan bang>
<Lisanin ka>
<Upang malamang isa kang katha>
<Na ‘king isipang>
<Ngayo’y nalalamang>
<Ika’y isang kanlungang di masakatuparan>

<Wag lumuha>
<Patunayan>
<Na tayo ngang Dal’wa>
<Kung ikaw nga>
<Para sa’kin>
<Bakit di mo ko naisin>

<Di na nais pang>
<Malaman na>
<Minsan nga’y naging tayong dal’wa>
<Ni ang sarili>
<Ndi nakikita>
<Ang pagkitil sa aking pagpapahalaga>

<Wag lumuha>
<At sabihing>
<Ika’y laging kasama>
<Kung tunay>
<ang sinamo>
<Wag nang paasahin>

<Di mo ko ninais sayong kamalayan>
<Narito ka lamang para sa katapusan>

<Bakit ko hinayaang maging sayo>
<At ipaghabi ng kasinungalingan mo>

<Wag mo kong ipagluha>
<Bagkus>
<Yakapin sa yong bisig>
<Amining>
<Hindi kayang>
<Patunayan ang ipinangako>

Comments No Comments »

Hai!!

Andito nanaman ako,
Naalala mo ba nung huli kitang kausapin??
May itatanong sana ako nun,
Kaso nawalan ako ng lakas ng loob.

Pero ngaun,
Malakas na ang loob ko.
Magtatanong na ako.

Kamusta ka na nga pala?
Alam ko,
Hindi ko na dapat itinatanong ito sa’yo
Ano ba naman nga ang gagawin ko
Kung sakalaing hindi ka ok?
Kung masidhhi kong pag ibig nga’y hindi ko naipaglaban,
iyon pa kayang kalungkutan mo.

At saka,
Mukha namang ayos na ayos ka lang.
Ang totooy mas gumanda ang tingin ko sa iyo,
buhat ng huli kitang nakasama.

Naku!
Pasensya na,
Kahit kailan nga pala’y hindi tau nagsama.
Ang lahat ng iyo’y pawang likhang panaginip ko lamang.
Isang likhang natutuwa ako’t aking nahabi.

Natutuwa ako,
Kasi kausap kita ngayon.
Hindi man diretsa,
Pero ang kaisipang para sa iyo ito’y
Sapat na.
Sapat nang dahilan para ipagdiwang ng aking kaluluwa.

Gaya noong,
Kapag kinakausap kita’y nakikinig ka sa akin.
At nakikipag palit ka ng iyong kuru kurung
Nalalaman kong ‘opinyon mo lamang’

Alam mo ba
Hindi na nanginginig ang aking mga tuhod
At nasasamid sa ligalig
Na dala dala ng presensya mo.

Malakas na ako.
Naka Move on na.
Natanggap ko na kasi ang totoo
Na ang katangahang isilid kita sa aking puso’t isipa’y
Hindi ko madudulot sa aking realidad.

Wala na ang sakit,
Ng kung paanong
Nagawa mo akong mahalin
Sa aking mga kathang panaginip
At kinuha ang aking buong pagtitiwalang
Pang habang buhay ang limang minuto nating pagkakakilanlan.

At ang isa pang maipagyayabang ko sa iyo’y
Kaya ko nang magmahal ng iba.
Buksan ang aking puso
At patuluyin ang sinumang
Dalagang may bitbiting basag na porselana
Na makislap sa aking mga mata’t
Nakakapag tago ng tunay na layong
Gawin akong pampalipas oras
Paglaruan, paamuhin
At pirapirasuhin ang aking mundong kanyang kukulayan
Ng Pula, Puti, Dilaw, Asul Berde
At kung anu anu pang kulay
Na maaring makapag tago sa tunay nyang kulay na abuhin.
Handa na akong muling gumawa ng kwentong
maaring ikwento sa mga batang makakasalubong ko sa daan
patungo sa aking tahanang walang laman.

Handa na ako
Na ipagpalit ang dinulot mong kamatayan sa akin.

Naku,
Pasensya Na.
Nakalimutan ko
May itatanong nga pala ako.

Pasensya na,
Namuhay kasing muli
Ang inabo ko nang mga alaala mo.
Nakaka pagpapintig kasi ang taglay mong alindog.

Sige,
Itatanong ko na sa iyo.

Paano ko nga bang sisimulan?

Nais ko sanang malaman..
Kung noon ba’y..
Natutuhan mo akong…

Naku,
Sandali.
Alam ko na nga pala ang sagot mo.
Kahit mas nakakapagpagaan sana ng pasakit
kung sakaling ma uusal ito ng iyong labi.
Pero katangahan na din ang itanong ito.
Hindi na sumisilay sa isip ko,
Na Oo ang isasagot mo.
Dahil iyon naman ang katotohanan.

Haha!
Ang tanga tanga ko di ba?
Biruin mong tatlong taon kong isiniksik sa aking dibdib
ang katanungan ito.
Samantala’y ako din naman ang makasasagot.

Naku,
Lumulubog na pala ang araw,
Maari ko bang hawakan ang iyong kamay?
Kahit ang dulo lamang
ng malambot mong mga daliri?
At kung maari din sana’y
gusto kong marinig sa iyo
ang mga katagang:
"Salamat Emman,
Maganda pala abangan ang paglubog ng araw sa iyong tabi."
Nang sa gayo’y
Makapag paalam na ako sa iyo
At magkaron na ako ng lakas ng loob.
Na harapin ang parating na dilim
At pagbayaran ang kasalanang nagawa ko kanina lamang.

Ang Pagsisinungaling…
At Pag bitaw sa isang bagay na bumubuhay sa akin.

Kung Maari lamang sana?
Dahil tatlong taon na rin akong napiit dito
Sa harapan nang Papalubog pa lamang na Araw.

Comments No Comments »

Komportable akong nakaupo sa isang masakit na bangkuang kahoy sa isang bangketa.
At Buong kabingihang nakikinig sa nagdaraang mga kaibigan kong estranghero.
Naliliwanagan na ng kadiliman ang paligid.
At sinisilaban ng lamig ang hamog na pumapalibot sa nangangatog kong katawan.

Kailangan ko nang umuwi.
At may lalakarin pa akong mahalaga.

Nais pa sanang magpahinga ng patay kong katawan
At maghintay sa parating na wala.
Kaso’y minamadali na ako ng aking relo.
Kailangan ko na raw sayangin ang aking oras sa isang mahalagang pagpupulong.
Inaasahan nila ang aking ipiprisintang kahinaan.
Iyon pa naman ang lakas ng aming kompanya.

May naupo sa tabi ko.
Isa sa mga tinatawag kong kaibigang estranghero.
Nilingon ko sya at nginitian.
Habang nilakasan naman niya ang kanyang tinig
Upang marinig ng kausap niya sa telepono.
Binanggit ko sa kanya ang aking pangalan.
Sapagkat natitiyak ko sa aking puso na kilala nya ako.
Tumayo sya at tila naghahanap ng ’signal’.
Humarap ako sa kanya at sinabing ‘Kamusta ka na?’
Lalo pa niyang nilakas ang kanyang tinig
At sumenyas siya sa akin nang ‘Lumayo Ka nga’
sinagot ko naman siya ng ‘mabuti naman, matagal na tayong di nagkikita ah?’
Itinigil nya sandali ang pakikipag usap sa telepono,
tinakpan ito at sinigawan ako ng ‘Pwede ba?? umalis ka nga!’
Nginitian ko sya at sumagot ng ‘akala ko’y nakalimutan mo na ako’
Bumunot siya ng pera sa bulsa at ibinato sa akin.
Pagkatapos ay lumayo na sya.
Dinampot ko ang pera.
Sinunog ito gamit ang luhang lumabas sa aking mata.

Isang minuto din akong nahinto.
Matagal na halos ikinatanda ko na.
Halos naubos nga ang aking luha
Na parang maari na ulit akong umiyak ng matagal.

Naupo ulit ako sa bangkuang kahoy.
Doo’y hinanap ko muli ang malambot na parte nito
at dinama ang sakit na dulot nito.

Nakokomportable ako doon.
Na halos nalimot kong kailangan ko nga palang umuwi.
Dahil kailangan ko nang makaalis.

Napapikit ako ng aking mata.
At tinanaw ang buong paligid.
Ang makulay na paraan ng
pagkaka ayos nito ng itim at puti.
Maganda ito.
Sapagkat masakit sa mata.

Natutuwa ako sa simpleng
kawalan ng nabuo kong maliit na mundo.

Muli akong kinurot ng aking relo.
Kahit kailan talaga’y kaaway ko ang aking relo.
at ang mga kurot nitong akala ko’y madalas kong napapansin,
ngunit araw pala ang nililipas
bago muli akong kurutin.

Mabuti pa’y umuwi na ako.

Nag abang na ako ng masasakyan.
Ng biglang…

‘Hoy!!! kung magpapakamatay ka, wag mo nga kaming idamay!!!’
Sabi ng matandang tsuper.
‘Tanghaling tapat eh namemerwisyo ka ng mga tao!’

… Akala ko’y makaka uwi na ako ….

Comments No Comments »

— para sa mga taong magbibigay ng pag asang ako’y muling magmahal —

Halika,

Samahan mo ako ngayong gabi.
Gusto kong mapag isa….
mapag isang kasama ka.

Halika,

Maupo ka sa tabi ko,
[Maupo ka sa tabi ko]
Nais kong iyong marinig ang malambing kong wikain
[Nais kong marinig mo kung gaano kasakit]
at malamlam kong awit na aking nalikha sa pagmamahal sa iyo.
[Ang umasang langit ka sa akin dahil gayon ako sa'yo]

Halika,

Lumapit ka pa at nais kong sabihin,
[Lumapit ka pa at nais kong sabihin]
Nais ko sanang muling sambitin ang aking mga winika
[Nais ko sanang ipamukha pa sa iyo]
Patungkol sa kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama ka.
[Na ako'y kinatha ng iyong isipang umaasa sa isang kasintahan]

Halika,

Ilapit mo ang iyong tainga sa aking mga labi
[Ilapit mo ang itong tainga sa aking mga labi]
At may ibubulong akong walang hanggang pangako
[At itatarak ko sa iyong tainga]
na hinding hindi masisilay sa aking isipan ang iwan ka.
[Ang lasong mamumuhay sa iyong pusong aking igagapos]

Halika,

Hawakan mo ang aking kamay
[Hawakan mo ang aking kamay]
Damhin mo ang taglay nitong init
[At maagnas ka sa aking lagablab]
at higpit na gagabay sa ating walang hanggang pagsasama
[Hanggang sa maabo ka't malimutang ika'y nabubuhay pa]

Halika,

Tabihan mo ako
[Tabihan mo ako]
Nais kong ipadama ang aking presensya
[Nang sa gayo'y madali kong maabot ang iyong dibdib]
Nang iyong malamang ito’y hindi biro ng panaganip
[At durugin ang anumang madaop nito]

Halika,

Yayakapin kita
[yayakapin kita]
ipaaalam ko sa iyong
[Nang tuluyang ika'y aking maging sunud sunuran]
kamatayan ko ang ika’y iwan.
[At maging kamatayan mo ang kita'y iwan]

Halika,

Damhin mo ang aking halik
[Damhin mo ang aking halik]
Na ipinapangakong
[At ihuhulog sa karagatang]
sa iyo lamang at sa iyo tanging iaalay
[Ikinalunod ng mga kagaya mong mangmang]

Halika,

Pagsaluhan natin ang gabi
[Pagsaluhan natin ang gabi]
Pag isahin natin ang tinitibok
[Ipupunla ko ang aking parusang]
Ng pusong kapwa napupuno ng ating pagmamahal
[Magpapatindi sa aking balaking ika'y tapakan]

Halika

Makinig ka sa aking mga sinasabi
sapagkat lahat nito’y
Itinutulak ng aking mga labi’t
Kahit kaila’y hinding hindi ikakabig ng aking dibdib.

Sapagkat minamahal kita,
[Sapagkat napopoot ako sa iyo]
at ang lahat lahat sa iyo…
[At ang sakit na idinulot ng mga katulad mo]

-= at lalo’t para sa mga taong nangangarap na akoy magmamahal pa =-

Comments No Comments »