Archive for February, 2009

Hindi ko maalala kung kelan ko huling sinabing maayos lang ako.
At hindi ako umaasa na masasabi ko pa ulit iyon.
Sa ngayon naka upo ako sa ulap.
Mababang ulap.
Hinihintay kong umulan….
Nang sa gayon,
Maramdaman ko ulit kung paano maging bata.

==================
Bl.ite
Kamusta?
Naaalala mo ba ako?
Ako yung anak mo. Anak mong mas piniling maging kaibigan mo.
Hindi dahil galit ako sa iyo. Hindi din dahil ayaw ko sa’yo.
Nakatago lang talaga sa akin ang dahilan na hindi ko kayang bitawan ang kasalanan ko.
Ang kasalanan kong kalimutang si Adan ay para kay Eba, at si Eba kay Adan.
At sa ganung rason, nahihiya akong ipaalala sa mundo na anak mo ako.
Kahit lahat ng anak mo ay mas makasalanan pa sa akin.
Hindi ako nararapat maging anak mo. Kaibigan pwede pa.
Alam ko noon, tinakwil kita.
Hinamon.
Umiyak sa harap mo at nagsumpang kung kakalimutan mo na ako, kalimutan mo na ako ngayon. Kung papabayaan mo na ako, pabayaan mo na ako.

Pero ngayon, nandito na naman ako. Mas masarap ka siguro talagang maging ama kaysa maging kaibigan. Pero hindi ko pa talaga kayang maging anak mo. Masyado kang seloso para hayaan akong ni ipasok sa isip ko si Satanas. Na sa mga kataga mong, kung hindi ako ayon sa iyo, gayo’y ako’y salungat sa iyo. Hindi ko sinusunod ang utos mo. O ang gusto mo. O ang nais mo. Ang alam mong nararapat para sa akin, at para sa sangkatauhan.

Naghahanap lang ako ng hahawak sa kamay ko. Sasabihing hindi masama magkaroon ng kasalanan. Hindi masama dahil tao lang ako. Gusto ko lang marinig na normal lang ang sitwasyon ko. Na hindi ako nag iisa. Na kayang ngumiti ng mga katulad ko.

Hindi ko na kailangang iligtas mo pa ako mula sa pinagsusunugan ng kaluluwa kong dagat dagatang apoy. Ang kailangan ko ay iyong magpapapayapa sa kaluluwa ko at sasabihing makasalanan ka, Oo, pero may karapatan ka pa ring biyayayaan.

Nagmamamakaawa ako sa iyo. Kaibiganin mo ako, at ipaalala mo sa akin na hindi ka makasarili. Na ginawa mo ang tao hindi dahil kailangan mo ng magmamahal sa iyo. Na ginawa mo ang tao para may magkalinga sa iba pang ginawa mo, lalong lalo na sa kapwa nila tao.

Nagmamakaawa ako, huwag mo akong patawarin, kundi patawanin.

Gusto kong sumaya nang limang minuto sa buhay ko na ang dahilan ay nginitian mo ako.

Parang awa mo na, salingan mo ako ng biyayang natatamasa ng mga anak mo. Kaibiganin mo ako.

HUWAG MO AKONG AWAYIN.

================

Wh.ack

Simangot ang sinukli ng ngitian ko ang altar
Kaya lumaban ako ng sapakan
At inaway ang santo
Kinuha ang tambo at winalis ang inalay na rosas
Ipinilit sa rosaryo
na ubos na ang misteryo
Kinagat ang bawat butil
ng dasal at panaghoy
Minano manong matupad ang sagot
Kahit pa dumugo ng tubig ang palad.

Sa loob ng tatlong buwan pinayagan ako ni kamatayan
Hinalikan ako sa labi
at pinainom ang anino ng kanyang liwanag
Masaya ako sa bisig niyang
kinalimutan ang umaga
Sumayaw sa patayan
at batuhan ng nagbabagang
bituwin, bulalakaw at buwan.

Hanggang sa huli
Napagtanto ko
Kung anong isusukli ko
Sa lahat ng tawanan
at lasingang regalo niya
Ang kataga niya’y huwag na
at hindi niya kailangan ng sukli

At tinuloy ko ang kantahan
at sayawan ni Satanas
Nag imbita pa ng mga birhen
at sanggol sa kasiyahan

Sa aking pagsasaya
Di ko alintana
Ang piging ay tapos na

Nagliligpit
Ang mga demonyo at aswang
ng pinaghapagan
At doon ko nakita
Ang mumo
ng dati kong buong
kaluluwa at pag asa

At naiwan akong
Naglalakad sa pinagpigingan
Na walang natitira
Kundi abo at putik na humihinga.

=======================

Comments No Comments »

Yellow - 4

Tumatawa ang sungay
Sa nakuhang tagumpay
Nanalo ang itik laban sa tandang
hindi dahil mas malakas siya
kundi dahil may pumusta
at ang tandang na pinananabong
ay mas malamya pa
sa nabubugok na niyang itlog.

Sumuko ang palong
At hinubad ang tare
Dahil ang itik na kalaban
Nasa dila ang panghiwa
ipinag kalat sa mga kristo
mananabong at reperi
na ang kalaban niyang tandang
ay kumakain ng ipot

natawa ang manonood
sa kinalabasan ng laban
pumalakpak tumayo
at nagbulungang buong pino

kaya’t ang tandang na sumabong
inaapakan ang sariling
pagmumukha

Isinumpa ang inahin
na nag itlog sa kanya
kung bakit pa kasi
puwitan ang pinangdagan

namomoot sa lumahing
texas na pula
dahil sa lahat lahat pa ng puwesto
ay ginawa siya sa kalsada
di tulad ng iba
na nagturukan sa putikan.

lahat ng sumaling
sa balat niya at kaluluwa
sinisising siya’y ginawa
sa papel at sa dura
maging sarili iniyakan
dahil hindi nag aral lumaban.

ngayon sikat ang tandang
na inaapakan ng itik
pagkat kinalimutang
mas nararapat siyang
ipagpustahan sa sabungan…

========

Comments No Comments »

Blue - 3

Midnight struck me in the eye
Telling me lies by saying hi
Giving me list of good alibi
of being happy and staying alive

Comments No Comments »

Nginitian mo ako kanina.
At kinilig ako.
Mahirap kasing hindi sitahin
ang mga labi mo.

Kinamusta mo ako
At dahan dahan akong natunaw.
Mahirap kasing hindi matuwa
sa tunog ng tinig mo.

Dinalaw mo ako ng tingin
At namutla ang kaluluwa ko.
Mahirap kasing hindi manginig
at malamang nakikilala mo pa ako.

Kaya ngayong gabi,
Isusulat ko ang lahat ng minahal ko sa iyo.

nang sa gayon,

nakangiti kong matutuloy ang araw araw na pagpapakamatay ko…

Comments No Comments »

Red - 1

I never imagined why i should stop
They say Im not supposed to stay here
I say I was told to stay

I spent my last spare change just to be here
Because I thought spending blood drops is wrong

I still remember how happy I was when I was sent here
And so I stayed.
Even if the odds are high.

You really can’t make fantasies turn to realities.
And i know I am stupid to deny that.

I may not be perfect
But at least I know my imperfections
And I know I’m not right
but at least I know im right when I say Im wrong.

Now they are pushing me away.
Forcing me to die
And I dont have the right to fight

The worse part is

Neither the right to die.

Comments No Comments »

Walang malay ang luntian
Na darating na si itim.
Kahit ang ulap ay walang malay
na mamamatay na siya nang taimtim.

Mula sa kadiliman ng pekeng araw
Umuulan ng liwanag
At bumubuhos ang kalokohan.

Ni hindi nasalo ni asul
ang babala ni pula
kaya nagising si luntiang
kinakain ni itim.

Sa himlayan niyang pakuan
ay komportable siyang nahiga
Sinisimot ang kasinungalingang
malambot ang kakahuyang papag

Ngayon si luntian ay nangagsusuot ng rosas
Hinahanap ang ngiti sa iyak niyang namumuti
Itinatago ng damit ang balat niyang mapagluksa
Nagpaplano ng pagbulong sa sumisigaw niyang kalituhan.

Inihahalakhak ang kamatayang nadarama
binubuhay ng sakit ang natitirang hininga
Sinisinungalingan ang sarili
ng mga katagang masaya
at tinatapos ang araw
gamit ang silahis ng buwan.

Babala.
Hindi totoo ang mga bahaghari
kahit umulan pa
ng walang tigil ang ngiti

Comments No Comments »