Hindi ko maalala kung kelan ko huling sinabing ayos lang ako
At wala na akong planong ulitin yon
Hindi ko masabing masaya ako, o gusto kong sumaya
Ang masasabi ko na lang siguro ay kakayanin ko ito
——————————–
Screams whispered in me
Yelling lullabyes of dead sleeps
Humming to the sounds of histories
Of people i never cared
or bothered knowing
Songs tear my soul apart
Smiling at me as i bled to bliss
The lyrics clearly are fated to pinch me
slicing my sanity out of my conscience
If hymns of death should really be heard
then so I accept I am destined to breathe
half with my lungs and half with my grave
hand held and tucked to satan enslaved.
Here I am back asking the faulters
Of my fucked up life
Am I your son?
Or just a mere realization of your dream?
Please prove me
That your answer
is reasonable.
or at least
bearable
——————
Sigawan mo ako ng mga lihim
Na nakabuyangyang sa harap ko
Patulugin mo ako gamit ang pagod
Nang sandamakmak na hindi at bawal
mula sa bibig at kamay
ng mga estrangherong kadikit at
estrangherong hindi ko maalala
Paliguan mo ako ng latay
Na hihilod sa natitira kong tuwa at pag asa
Siguruhin mong akin ang mga linyang
Hihiwalay sa aking kaluluwa at katinuan
Oo alam ko, na tatapusin ako ng mga pluta at mga puta
kaya yinayakap kitang may kadyot sa puson ng impyerno
upang anakan ang kasalanan na kokoro kay satanas.
Sa huli wala akong dahilan
Para hindi ka sisihin
At umiyak sa harap mo
Upang malaman
Ako pa ba’y anak mo?
O isang bagay lamang na tumutupad
sa nakadapa mo ng pangarap?
Entries (RSS)