Hindi kita kilala
At hindi kita dapat kilalanin.
Pero hinila mo ang kamay ko
Sa gitna ng sementeryo.
Kwinento ang sarap
Ng halik at ng libog.
Kasama ang takot at kaba ng silip.
Nakinig ako pero hindi naniwala.
Pero hinawakan mo ang kaluluwa ko
At pinigil itong sumama sa hukay
ng sama ng loob at balak ng kasalanan.
Pinaalalang hindi pantay ang totoong ngiti
At walang kanto ang hugis puso.
Ngayon, dalawang bilog na buwan ang lumipas.
Masaya akong lumuluha
Ng alaala nating dalawa…
Tandaan mo ito,
Ikaw na ang bagong ako.
Entries (RSS)