….
Pu**** ina mo!

Iniwan mo na nanaman kami ng anak mo na walang pera. alam mo bang gutom na gutom na itong anak mo? kanina pa siya umiiyak.

E pu**** ina mo din, ikaw ang nanay niyan bakit hindi mo pakainin!

Nanghihingi lang naman ako ng kanin kay mama. Hindi ko alam na magkakaaway silang dalawa. Ang totoo naiiyak ako kasi nakita kong naiyak si mama nung humingi ako ng kanin. Kagabi pa kasi ako hindi kumakain. maghahapon na din. Oo nga pala, kahapon nagbigay si mama sa akin ng tinapay para may makain ako. Sinawasaw pa nga niya sa tubig na may asukal para daw maiba yung lasa. masarap yun. kahit isang tinapay lang nabusog na ako. masarap din yung isang basong tubig na may asukal kahapon.

….
E walanghiya ka palang adik ka e, paano ko pakakainin e kulang pa yung binibigay mo sa aking pera. Adik ka talaga.

Hoy! Wala kang karapatang pakialaman ang pag aadik ko ha! pasalamat ka pa nga nakakapagbigay ako sa’yo eh!

Dapat pala hinintay ko na lang ngayon na bigyan ako ulit ni mama ng ganon. Siguro hindi sila mag aaway nang ganon. Bakit kasi nagmamadali ako masyado.


Pu**** ina kayong mag ina kayo! pagkatapos kong magpakahirap sa pagtatrabaho oobligahin niyo pa akong buhayin kayo?

Pagod na pagod pa naman si papa sa pagtatrabaho. Nakikita ko na ngang lumalalim yung mga mata niya. Mapula pula na din. Siguro napakahirap ng trabaho ni papa. Sabi ni mama palagi daw nagtatatrabaho si papa para may makain kami. sabi naman nung kalaro kong si aying adik daw si papa. Anu kayang trabaho yung adik? Pati mga kapitbahay iyon ang sinasabi. Narinig ko din si mama na sinasabing adik si papa.


Hoy kung di dahil sa pag aadik mo hindi ako magkakaganito, kaya obligasyon mo kaming mag ina!

anu kaya mangyayari kung tutulungan ko si papa na mag adik? yung kaibigan kong si toto, kahit kapareho kong 7 taon pa lang tumutulong na siya sa papa niya na mag adik. kaya lagi silang magkasama. nakikita ko si toto tumatawa. parang ang galing galing niya umasta. kahit mga matatanda hinahamon niya ng sapakan. hindi siya natatakot sa kanila.


Kung hindi ka nagpu** hindi kita bubuntisin! pasalamat ka nga nakaalis ka sa pinagtatrabahuhan mo, e di sana kung sinu sino tumitira sa yo ngayon!

Sabi ni aying sabi daw ng mama niya dating puta ang mama ko. Ano ba yung puta? pwede din kaya ako maging ganun? sabi ni papa trabaho lang daw nila magpabuntis. kapag naririnig kong sinasabi ni mama na babalik daw siya sa pagpuputa laging sinisigawan ni papa si mama na ang pangit pangit niya para bumalik dun. umiiyak na lang si mama. nung isang araw nga pagkatapos maulit nun, tinawag ni aling karing yung mga taong nakaputi, kasi natapunan ng ketchap sa kamay si mama. gutom na gutom yata, baka uminom na lang si mama ng suka nun kasi namumuti yung labi niya.

siguro beybi ang bayad sa ganung trabaho? kasi kapag tinatanong ni mama kung bakit ayaw ni papa bumalik si mama sa trabaho, sinasagot ni papa na hindi siya marunong mag alaga ng beybi.


Hayop ka talaga! Tarantado kang adik ka! bakit kasi nagpaloko ako sa kasing walang kwenta mo!!!

Kasi tanga ka. alam mong bubuntisin lang kita sumama sama ka pa!!!

Walang hiya kang demonyo ka!!!

Ayan na. sinasaktan na ulit ni papa si mama. Kung anu anu kasi binabato ni mama e. umiiyak na naman si mama. Naiiyak na naman tuloy ako…


Hoy pu**! Patigilin mo yang anak mo, baka sapakin ko yan!

Wag mo ngang idamay ang bata!

Mga pu**** ina kayo!! Makaalis na nga sa impyernong to!!!

Aalis na naman si papa. dapat talaga hindi na ako umiiyak. dapat hindi na lang ako nanghingi ng pagkain. Narinig ko dati habang kausap ni mama yung kapitbahay naming lalaki, sabi niya nasira na buhay niya mula nung pinagbuntis niya ako. baka daw masaya sila ngayon kung hindi ako ipinanganak. tapos nakita ko pang hinalikan siya nung lalaking yon. sabi ni aying mag asawa lang daw yung pwedeng maghalikan. pero hindi ko pa nakikitang hinalikan ni papa si mama. siguro hindi sila mag asawa. baka iyon yung asawa ni mama.


Mga buwisit kayo sa buhay ko!!! Mamatay sana kayo jan sa gutom!

Wala na si papa. baka matagal pa ulit siya bumalik. Dapat talaga hindi na ako nanghingi ng pagkain. dapat pala hindi na lang ako ibinuntis ni mama. baka naging masaya sila. parang sila mang kardo at saka aling gingging. lagi na silang magkasama nung nagtali ng samapayan sa leeg yong kapitbahay naming si ate lulay. kaso pumangit siya non eh. nakita ko may ketchap na tumutulo sa mata niya. pati nga yung bibig, ilong at tenga. ang laki laki ng mata ni ate lulay nun. tapos ang itim itim pa ng dulo ng daliri niya. sabi nung ibang kalaro ko natulog daw siya, ginising ko pa nga yun eh. ang lamig lamig nung balat niya non. tapos nung sunod nun ang ganda ganda na niya. ang sarap sarap ng tulog niya. tapos parang nakangiti pa siya. ang lambot lambot pa nga ng hinihigaan niya e. nakakainggit. parang ang sarap sarap nung higaan ni ate lulay.

alam ko na.

ako din.

pag natulog din ako, hindi na ako magugutom. hindi na din ako manghihingi kay mama. hindi na sila mag aaway ni papa…

sige. ako din.

san na kaya yung sampayan namin?

==============================

-para sa mga batang walang alam-

-at lalo’t higit, sa mga matandang wala ding alam-

Comments No Comments »

Minsan, marami kang mapapansin sa buhay, isa ito sa mga napansin ko:

na ang pusa ay puwede mong itratong aso. suutan ng dog chain, itali sa gate o di kaya ay igala sa umaga para maka jerbaks sa kalsada. Wag mo nga lang aasahang tatahol siya kapag may magnanakaw sa bahay niyo…

na kapag nasa jeep ka, puwede mong sabihin sa drayber na ‘ma, para sa tabi’ kagaya nang pwede kang magsabing ‘ma, para sa gitna!!’

na kapag sinabi ng barker ng jeep na dalawa pa, kailangan mo munang pitpitin ang katawan mo o di kaya ay isilid sa loob ng bag mo ang isang ng pigi ng puwetan mo para makaupo ka ng disente…

na huwag mong aawayin ang mga jeepney driver lalo na tungkol sa bilis ng pagdadrayb nila, o irason sa drayber na nagmamadali ka dahil sasagutin ka nila ng ‘E nagmamadali pala kayo eh, e di sana kahapon pa kayo sumakay…’

na may mga teacher na hindi inaasahang ang kasunod ng second year hs ay third year hs. Kapag nakasalubong mo sila at kinamusta ka (take note, adviser mo siya last year) at sasagot ka nang eto, third year na, sasgot sila ng ‘Ows? Talaga?’

na kapag adik ka sa isang gaming console, maglalaro ka kahit oras ng trabaho… as in… kausap mo ang kostumer, hawak mo ang controller

na kapag nagsuot ka ng pinaka komportable mong damit, hindi mawawala ang mga tao na tititig sa iyo na parang akala mo eh nakahubad ka.

na ang pantry o canteen na may magic sing ay nagmumukhang beerhouse… lalo na kapag may kumakantang lasing ng alas nuwebe ng umaga…

na kapag nakakita ka ng taong physically attracted ka, hindi pwedeng walang lalabas na ebidensiya sa galaw (or worse) o sa bibig mo

na ang taong kulang sa panisin, kapag hindi mo pinansin, magpapapansin, pero kapag pinansin mo… magpapansin ulit

na ang isang parasite ay walang ibang alam kundi sipsipin ang dugo ng host niya

na kapag may kasama kang ibang tao sa bahay, mag iiba ang pananaw mo sa pang araw araw na buhay, kagaya ng ang kalibugan ay parang lobo na masanggi lang ng karayom, hindi pwedeng hindi puputok

na may pick up lines din ang mga bisexual, isa na don ang ‘pare may kotse ka ba? Pasakay ako, kahit hanggang labasan ka lang (gets mo?)’

na nakakasawa din pala ang walang nagbabasa ng blog mo

na nakakasawa din palang mag petix sa trabaho

na ang paggastos e masahol pa sa drugs

na darating at darating din sa buhay ng isang tao na maghahanap siya ng tama pagkatapos ng lahat ng maling nakita at nagustuhan niya

na mas mahirap mag english kaysa magtagalog

na mas nakakaproud pala maging Filipino kaysa maging Amerikano

Comments No Comments »

Malalim ang tingin ng mababaw kong pag iisip
Hinahanap kung paano ang tamang daan paligaw mula sayo
Tatahakin ang pinakamalapit na paraan para mapalayo sa’yo
At nanaisin ang masidhing pagnanasang malimutan ka.

Sinisimot ang sakit na nagpapaligaya sa aking pag iisa
Pinapaligaya ang masukista kong pagmamahal
gamit ang alaala nang huli mo akong kalimutan.

Hindi ko alam kung nagustuhan ko
Na iwan mo ako
nang matatabang alaala ng
galit…
luha…
at makamundong pantasya
ng pag iisa…
pagdurusa…
at tumatawang pag asa.

Dahil kahit nanghihina ako
sa pinagsaluhan nating kama
ay humahalakhak ang aking kaluluwa
sa mga masasayang sandaling ibiniro mo sa akin.

Hindi ko nais na mamatay sa harap mo
At itangging nalulungkot ako
Dahil ang tanging nais ko
ay mabuhay sa pag iisang
ang huling kamay na nadampi ay sayo
at ang huling nalalaman ay minsang kinilala mo ako..

Dahil nais kong patunayan sa iyo

Na ang pagtapos mo sa tulog kong mga panahong kahawak ka

Ay isang basurang

Babalikan mo nang may panghihinayang…

at Pagsisisi…

 

 

— A DESPERATE CRY FOR A SECOND CHANCE —

-para sa mga naiwan-

-at lalo sa mga nang iwan-

Comments No Comments »

Reasons are what I have.

Of why am i still here waiting for you.
After you telling me that you never liked me anyway.
Of why am i trying my best to keep my tears from falling.
Of why am i replying ‘no harm done, so do I.’
Of why am I altering this pain with a smile.
And of why am I just looking at you walk out and leave me.

I can never put to words what those are but I know I have them.

if there’s something I don’t know,

that is why did my knees shake from weakness while you were saying I hate you.
Why did heartbeats stop while you were walking away.
Why did colors turn to black after realizing that was my last glance of your face.
and why am I having a hard time living the days away.

Why?

Whatever the reasons may be

I will be left here knowing that after today…

 

I will never be with you again.

Comments No Comments »

We did some get to know each other thinggy yesterday, and we were asked, if we were an animal, what would it be and why?

 

I said I would be a duck billed platypus.

What? What is that?

that was the UNANIMOUS reply. That’s the point. I would be a duck billed platypus. something you never knew existed unless you had to study or you heard from.

What is a duck billed platypus anyways?

Well, it’s a platypus, duh. i think (yes, these are all based on what i think i know about it) it’s something that lived both in water and on land. The only mammal that lays eggs. Ok. What does it take to be a mammal? You have to have a mammary gland, thus the word mammal. Breast. You need to feed your youngs with milk.

 

Well, ill just update this one. I need to get my lunch break. Im a bit hungry. And i still need to learn a few things about this platypus before I say something about it…

 

Hehe…

Comments No Comments »

What’s new?

Hindi ko alam kung anu nangyari last year or if there’s anything to look forward to this year. I feel not to care to anything that will happen from now on. Go with the flow. It’s really hard to worry about something you shouldn’t be worrying about. And it’s hard to think of something to think about especially if there’s nothing to think about. Confusing right? Well, if you’re as confused as I, then you probably be understanding what im saying right now.

I dont want to think about someone else from now on. I’ll just think of what I should be doing at the moment. Enjoy every moment. Wether I’ll have fun or not, the least thing I can say is that at least I wont be regretting whatever I have done. I hope there will be no more would have’s or should have’s. No more wondering what happened if…

I’ll just worry about myself. About how im doing, and if im having fun. I hope I wont find myself throwing my life anymore.

Whatever the future holds, Ill make sure it’s something I myself made.

Whatever happens, I’ll make sure it’s something happened out of what I did.

From now on, I will control my situation. I will control my life.

 

Nice. Go Go Power Rangers!!!

Comments No Comments »

Tapos ko nang kalimutan ka.
Yun yung alam ko.
At sa ngayon, pinipilit ko na lang maging masaya

Kahit hindi ko sinasadyang hanapin kita
at hindi rin ako biniro ng pagkakataon na makita ka
Masaya naman ako na hindi mo ako pinapansin.

Masaya hindi dahil gusto ko yun,
masaya dahil makakabuti sa akin yun
nang hindi mo na ako mailigaw sa pag asa
nang kaimposiblehan nang tayong dalawa

Kahit masakit sa mata na makita kang nakangiti
Dahil kausap mo ang ‘crush’ mo
Kahit masakit sa tenga ang pagpapakilala mo sa akin
Bilang isang kaibigan na nakilala mo lang sa kung saan
Hindi ako magrereklamo.

Alam ko namang wala akong karapatan

Lalong lalo na sa iyo.

Makikita ulit kita, isa sa mga araw na ito
At alam ko nahuhuli mo yung pagsilip ko sa mukha mo
Dahil nahihinuha ko ang pagngiti mo.

Minsan pa nga ay iniisip ko
na baka sinasadya mo na mabaliw ako sa mga ganun
Na gusto mong mahalin kita lalo
Para lumapit ako sayo at sabihin sayo ang lahat ng ito

Kinalimutan na kita
Hindi ko na papansinin ang maganda mong mata
Hindi na ako kikiligin sa ngiti mo
Hindi na ako hahabol sa lingon mo
O mananaginip na magkasama tayo

Dahil ang alam ko ay nakalimutan na kita.

Dahil alam ko, panaginip lang na nakilala kita.
At oras na para gumising ako.
Pero kung pwede lang,
Bago ko tuluyang lokohin ang sarili ko na nakalimutan na kita,
Ipakita mo naman sa akin
Na alam mong nakilala kita.

At kahit papaano
Ay inaacknowledge mo iyon.

Comments No Comments »

1 month since i first saw ur eyes. And i knew then that i will never forget you.

3am. I have to wake myself up. I have to make it through today. It’s my first day. I dont like this, why do i have to start my shift at 5am? After being used to night shifts and all, now I suddenly should be adapting to this. Hell! Why do I have to get this job?

And on those times, Im keeping myself from falling deeply into you.

Its a wednesday? First day of my job? We are left here doing nothing. Waiting for something to come. Waiting for any task we should be doing. 2 hours ran and still nothing. Maybe I should look around, I might know someone in here.

Your face is too much to fight to. Your smile is heaven Im very lucky I have known.

How come im bored here? This is the first day of my job. I should be somewhat excited. Is there something wrong with me? Oh, maybe it’s just the fever I had last night.

My soul will never accept the fact that you and I will never be together. Even if it’s your eyes are the ones that’s rubbing them in.

I had fever last night, after taking 2 rest days. Nice. How come I feel like im missing something. Finally, the shift has ended. Its time to go home now.

Last week, Ive heard the news. You’re already with someone. And after hearing that, I just want to bleed to death.

Yeah. Go home. Nothing better to do. No one to talk to. Ill just take the train, so i can spend a little more time before this fucking emptiness linger.

Bleed to death? Nothing’s more painful than knowing there’ll be no chance for us. Yeah, that way, I can still watch my heart pump the last love I have for you.

5 stations away. I can still pretend Im not missing anything. Im not sad. Im not dying. I have enough time to reminisce the times when I can still see a smile enough to remember that life should go on.

I wish I can show to that person that up to the last beat of my heart, my mind still wishes fo his attention.

3 more stations to go. I feel really sleepy. I feel really weak. Why am I feeling this way? I remember myself swearing not to die out of nothing.

And with this, I will not mind hell. Nor God’s punishment….

I guess I was wrong.

 

——————————-

A guy was found bleeding inside a train. People never thought the guy was dead, all they know is that he was sitting inside the train. Not until blood dropped from his sweater that covers the slit on his left wrist. The police tried to save him but was dead on arrival.

Comments No Comments »

Ayokong maniwala.

 

One more wall built between us. Not to metnion those that i have been building. I heard the news, and it pains me. Another chance taken, another smile stolen. How come it pains more when your tears shed behind your eyes? How come it pains more when you know your not supposed to feel it? I’ve already accepted the fact that you ignore me, so is that you deny my stares, and so is the impossibility of you even mentioning my name. But why does pain has to linger in my chest? Why do blames has to come around?

Im planning of something. No, i wont be killing myself, something harsh.

Im planning to forget you. Leave you alone, and just try to see you when i see you. Im planning to tell myself I dont know you, and im hoping i will be confident enough to believe myself.

Ill just burrow this past under my pillows, so i can still have it on my dreams. The least I can do to stay sane. The least I can do to remind myself of what you granted me for letting me know that you exist.

 

You granted me with happiness and sadness… and im grateful about that.

 

——————

Nililingon kita,

at lalo akong sumasaya

at wala namang nangyayari.

Ipinagsasabi kita,

At nalalaman naman nila

Samantalang ni hindi mo naman narinig.

Nginingitian kita,

At sa gayong paraan, napasasaya mo ako

At kasabay non, lalo akong nalulungkot

Hanggang sa nalaman ko nga ang balita…

At mula noon, iniyak ko na palayo ang pangarap na maging masaya tayo…

Comments No Comments »

weee…

137th posts. Ive been blogging around for quite some time now. Yet, im still in doubt if someone is reading my blog, but hell, who cares? As long as i can vent out all these craziness inside me, my readers will be the least of my concerns. Well, not unless someone will go telling me what they want to read from me.

 

But of course, i still appreciate those who waste their precious time reading my blogs. Thanks you very much!

Comments No Comments »